Home

Advertisement

it's been a while...

  • Sep. 23rd, 2008 at 5:22 PM
mrt

My first post for september. nakakatamad din pala ang magpost ng kung anu ano dito. mas masaya pa rin ang magsurf lang. ang dami nang nangyari. bomba sa pakistan. bomba dancer sa venetian party ni vivky belo. pag punta sa canada ni brian gorrell. 15th anniversary ni rajo laurel. ang sosyal na pag pronounce ni jojie lloren ng salitang "designers". pagkanta ni charice with celine dion. at marami pang iba! deadma

here's the look im eyeing for. saw it in thesartorialist . one word PERFECT!!!!!  kaso pang europe masyado. maybe sa december  pwede na yan dito sa pinas. pwede rin pang hotel ballroom. or kahit saan na may air conditioning

Classics (Nothing can go wrong!)

  • Aug. 14th, 2008 at 10:04 AM
mrt
ang look na hindi naniniwala sa Murphy's law. (may ganun!) all time pieces... no modern prints...just plain...solid...and chic.



loving the structured coat



hay mga dadies!

photos from the sartorialist

OKAY FINE! (Tagged by JM!)

  • Aug. 14th, 2008 at 9:35 AM
mrt
O ayan JM!! May I mention talagaha! lolz
 
Instructions:
What you are supposed to do.
And please don't spoil the fun.


In short, 'wag kang nega! hihi

Click copy/paste, type in your answers and tag four people in your list. Don't forget to change my answers to the questions with that of your own.

(A) Four places I go to over and over:
shang, glorietta,office and right now PAL Learning Center

(B) Four people who email me regularly:
admin, bry damasco, diana and hmmm SPAM lolz

(C) Four of my favourite places to eat:
jollibee, Kroks, Pantry sa office at Manang’s Porksilog

(D) Four places you'd rather be:
Bohol, Boracay, Baguio at Milan! (biglang layo o!)

(E) Four people I think will respond:
wala siguro dahil di naman ako mahilig magforward

(F) Four tv shows I could watch over and over again:
Will&Grace, Top Design, Project Runway and Gossip Gehl!

yan na yun!

Mangga(gamit) mangga hinog ka na ba?

  • Aug. 6th, 2008 at 1:17 PM
mrt
it was my friend tom who has a photo session last night. i dropped by the photographer's studio (chris perez) to give his blank cd. they were done with the shoot when tom said "try mo kaya?" hahaha . e dahil barat pa ko sa barat e grab na ko ng opportunity. LIBRE e bakit ba. thanks chris

hiphapan mode



yehezzz naman!!!



and my rexona shot lolz (or baka tawas lang?)



reach photographer christopher perez (here)

Tags:

Jacket Jackson!

  • Aug. 5th, 2008 at 11:57 AM
mrt

umuulan. sunod sunod ang bagyo. wala paring snow. so hindi pwede ang mag furr.okay?! sawa na sa hoodie. gusto ngayon.bomber jacket. hindi leather.lumeleather lang.

from topman.com can't see zara's last fall collection.kyemps. same design lang. but zara.for me.more luxurious looking.

Sapatos ni Grimace! Purple Gamosa

  • Jul. 30th, 2008 at 5:44 PM
mrt

Ahay! im loving these purple shoes. pair it with black, khaki, or white pants! not with some color that will outshine your shoes! same thing with your shirt! keep it clean and simple! woohoo panalo!


 photos via The Sartorialist

Tags:

Sabado sa Sam’s by Chris Martinez

  • Jul. 28th, 2008 at 9:11 AM
mrt

 

Sabado sa Sam’s by Chris Martinez

 

Napansin ko lang, puro araw sa isang lingo ang umpisa ng title ko. Imelda Papin Familiar? Dahil naka leave parin ako. Nagkaroon ako ng time para magbasa ng ilang libro. Pinahiram ako ng housemate ng “Laugh Trip: Dalawang Komedya” ni Chris Martinez. Siya din ang sumulat ng isa sa mga pinakamagandang script na nabasa ko. Ang “Last Order sa Penguin”.

 

Binubuo ng dalawang story (o script). Una ay ang “Welcome to Intelstar” na tungkol sa isang trainor sa isang call center sa Makati. ang plot ay umikot sa isang trainor sa training room kasama ng mga trainees. Pag hindi niyo pa nman nagets kung tungkol saan to e ewan ko na lang. Hindi ako masyadong naaliw dahil siguro meron akong housemate na trainor.pero kung nagnanais ka na magkaroon ng edge pag nag apply sa call center.basahin mo to. Dahil kumpleto to with illustrations.

 

“Sa Sabado Sa Sam’s” ang ikalawang bahagi ng libro. Hindi ko pa tapos basahin pero nag eenjoy ako ng sobra. Parehong pareho ng Last Order sa Penguin (e malamang prequel yan eh duh!). umikot pa rin ang istorya sa mga magkakaibigan na galing sa iba’t ibang klase ng pamumuhay. Conversational, witty, nakakatawa, figurative all rolled into one. Ganyan ko madedescribe ang pag uusap ng mga bida. Isa ito sa mga paborito kong part ng libro. Siyempre involved ang favorite character ko na si Lloyd kasama ni Pating

 

Lloyd:(may paninindigan. Pilit na pinapaniwala ang sarili sa sasabihin.) I’ll get over this, I’ll het over him!

 

Pating:Im sure. Next week, nasa Malate ka na naman—partying!

 

Lloyd:With that crowd? Same people, same shit, different day. Mami-meet mo si ganyan na naka-do ni ganito na dating siyota ni ganyan na naka-one night stand ni ganito na dating ka-sex ni so and so and so and so.

 

Pating:Pero, face it. Masaya

 

Lloyd:Masaya, pero it’s so transitory. It’s so mundane. It’s so temporal

 

Pating:Ano ba’ng hinahanap mo?

 

Lloyd:Eternity.

 

Pating: (papalakpak.) panalo ka sa question and answer portion!

 

 

Tags:

Friday sa ClubGov 18jul

  • Jul. 28th, 2008 at 9:00 AM
mrt
 

 

Friday. Bago umuwi ng bulacan. Sumama ako sa mga kaibigan ko sa Government. Maiba lang din ang environment.May soiree daw siyempre ako nagpakaladkad ako dahil mukhang open bar. Pagdating dun. hmmm, parang wala lng. Ininom ko na lng kahit hindi open bar. Andun na e. Laklak, hithit, buga, tawa, sayaw, laklak (repeat till fade)  Maingay. Mailaw. Masaya at matataas ang mga tao. Lahat parang may koneksiyon sa isa’t isa. Parang lahat magkakakilala. Pag sapit ng umaga, nagbago ang mga koneksyon. May mga bagong magkakilala, may mga galit galit na muna at sumama sa iba, may mga tao din na kaninang masaya,kinaumagahan, malungkot na.. umuwing mag isa. Kung ano ko sa tatlong yon? Wag na nating alamin. Sabi nga ng kanta ni offer nism for the 1st time…

 

 

Tags:

Nakakalokang AD

  • Jul. 7th, 2008 at 11:29 PM
mrt

because chikatime says farewell, i browsed the forum list of an online community for some entartainment. well not that close, pero kahit papano natawa ko sa AD na nakita ko.


o kinaya niyo ung requirements? parang may audition at elimination round lang sa bandang huli.(Mareng Tyra pasok!)so who goes home? the chaka guy who is loud but tidy and will pay you on time? or the klepto and burara guy who is straight acting and cute? 

PANALO ka teh!!

Tags:

mrt
28jun08

At dahil walang magawa sa bahay nung sabado. Kinaladkad ko ang housemate ko sa Malate dahil namiss ko ang tumambay sa Silya’s na para sa akin ay may the best Lechon kawali (think Janina’s tone) EVAR!.
 
Aba e White Party pala. Buti na lng at tumigil ang ulan dahil wasak panigurado ang outfit ng mga ate natin. Imagine pag umulan sa malate ng gabing yun, dadami! Dadami ang skinny jeans, hair wax, pashmina scarves, shutter shades, chuck taylor at concealer. IMAGINE!

 
Masaya! Puno ang kahabaan ng Nakpil at Orosa! Hindi mahulugang lipstick ang kalsada! Nakita ang mga dating kaibigan, dating ka-ibigan (aheche) at mga Machong nakagown! Beso, yakapan, kumustahan, kodakan, hithit, laklak at halakhak! Sayang at sa BigFish pumunta ang iba kong kaibigan. Hindi ako sumama sa kanila. Bukod sa mahal ang ticket, baka Big Fish as in BUTANDING ang mabingwit ko. Ayoko. Mahal ang shipping!
 
***nga pala natuwa ako sa escalator sa Ayala Mrt Station! 

Happy Pride Day sa lahat!

Tags:

Libreng Bohol Trip 21-23jun

  • Jun. 24th, 2008 at 4:55 PM
mrt

It was our annual teambuilding last weekend. leaving the house with rainshower (saturday morning), my colleagues were all nervous because of the weather, sayang naman kung macancel ung event namin. We are lucky enough that our flight wasn't cancelled (unlike bacolod and kalibo). our flight was delayed. i don't know if it's the weather or just plain Filipino Time. (and yeah gerald and kim chiu were there also leaving for cebu. la lang)

Arrived at Tagbilaran around 2pm. deretso sa Bohol Beach Club. the resort was BIG! cabanas and hammocks along the shore. 3 swimming pools. the sight outside our room was just wonderful. ang ayoko lang dito e ang BEACH nila. mabato! and the water was just not clear. again must be the weather...ang lakas ng waves so ang tendency e puro moving buhangin ang makikita mo sa ilalim.it was my second time in Bohol. last feb. we stayed at one of the resorts along alona.  waves are more hmmm pano ba to SUBTLE! (nosebleed). nightlife is more fun. so i guess if you are with your friends, alona stretch is the place to go. Bohol Beach Club is more family oriented, Private kasi e



We did the usual City Tour (chocolate hills, BAKLAyon church, meet and greet ng mga tarsier, hinagdanan cave, loboc river, butterfly garden at ang pinaka importante sa lahat, Island Tour's souvenir shop for pasalubongs.) Mini Olympics organized by our admin. 

The fun part of this whole trip was hmmm LIBRE!!! Sad part was, while your away, you don't know what was happening here in manila (friends) and bulacan (family). Frank did so much damage :c

Tags:

The Old Spaghetti House along Paseo

  • Jun. 17th, 2008 at 5:21 PM
mrt
friday lunchout with jm and jp at The Old Spaghetti House along Paseo hmmm may aircon at chandelier! old ba yun? acheche well the brick wall makes the place hmm old looking (old ha! hindi pan de pugon looking). we ordered pasta meals para kumpleto. price ranges from 150-300php walang drinks yun. try their iced tea sarap! mag pa bottom...less sulit! naka apat yata ako.



nakasulat sa shirt nung mga attendants "save rice, eat spaghetti" o ha ang cool! nakatulong ka sa bayan pero maghihirap ka naman. winnur!. at dahil diyeta ako nung mga oras na yun. nag mudslide ako after the meal. haaayy ang sarap! nakita ko si lord after my first bite! HEAVEN! hindi ako OA promise try it!

ang problema ko lang dito sa TOSH e ang bagal ng service. matagal iserve ang food. and when it's time to pay your bill, wag i-credit card! 30mins naming hinintay ang aming receipt. tsk 

muntik ko ng makalimutan ireview ang spaghetti mismo hahaha aldente ang pasta (check) walang ketchup ung sauce (check) flavor of the er sauce (check) in short spaghetti ang specialty nila (haha DUH!) WINNUR lahat ng pasta. 

sa mga girls na kakain dito. wag ng magdala ng lip gloss...idikit na lng sa plato ang inyong mga lips pagkatapos kumain dahil naglalawa naman to ng olive oil! GLOSSY GLOSSY!

Cheap Preppy Look!

  • Jun. 17th, 2008 at 10:03 AM
mrt

working on a tight budget? chic doesn't mean expensive clothes. check outofdcloset . an online store which sells fasyon men's clothes  in cheaper, way cheaper price.(from 450-500php imagine!). only problem is, items are available in one size only. so you choose... ipa alter o magpataba??? 

some of the items that i like 


winnur?

Style:Rich Daddy Look!

  • Jun. 16th, 2008 at 12:16 PM
mrt
im loving this style for months. casual chic if i will be asked. since summer is year round here in Pinas. this look is wearable (at presko) anytime!. if you're a current visitor of the sartorialist then this is not new to you.

 
taken from http://thesartorialist.blogspot.com

to achieve this look. all you need are classic pieces. smart shirts, trousers or skinny jeans, shorts (no prints)a pair of loafers (or any leather shoes). pwede na rin ang sneakers (the simpler the better)


all from TOPMAN

just tuck it in (w/ or without belt). wear no socks i repeat no SOCKS! and bring messenger or duffle bag(canvass or leather siguro). when wearing jeans dapat medyo bitin! lowest would be at your ankle fold it kung mahaba! mas sosyal pag palabas ung tupi pero kung mahiyain just fold it in ;)

so since mukhang di naman ako magiging tatay, looking like one wouldn't hurt!

Happy Father's Day sa lahat ng tatay! Love you Pa!

Gaydar Alarm

  • Jun. 12th, 2008 at 9:28 AM
mrt
A friend shared this gaydar game
 
IMAGINE! (Eugene domingo mode for bear brand)
Scene:naglalakad sa mall ang dalawa at napag isipang maglaro ng gaydar game
How: pag may nakasalubong na bading ay magsasabi ito ng alarm “ding ding ding”
 
May nakasalubong na isang naka skinny jeans
Boy1: ay eto eto ding ding ding
 
Sa kabilang gilid naka backpack na fitness first at nakataas ang collar
Boy2: ay si ate ding ding ding
 
May paparating na dalawang naka son goku ang hairstyle, at naka cuff na leather at white chuck taylor (hindi masyadong naguusap kaya mukhang nag eyeball)
Boy1:ding ding ding ding
 
Papunta na sila sa isang coffee shop ng tumambad sa kanila ang isang grupo na humahalakhak na parang kukunin na ni lord
Boy2: pano ba itu? Marami rami…pause….”kampana ng simbahan ay nangigising na…”
 
IMAGINE!

Be Agressive, Be be agressive :D

  • Jun. 11th, 2008 at 5:09 PM
mrt

Yan ang cheer na kailangan ko para magawa ko ang gustong tema ng blog na to. kaso nga hindi naman ganun kakapalan ang mukha ko. tumitiklop din paminsan minsan.

 
all pics from mnlstyl.blogspot.com

i really want my blog to be like http://mnlstyl.blogspot.com/ . isa itong site na nagpapakita ng mga taong fasyon sa kalakhang maynila. artista, stylists,columnists, designers, mga ordinaryong tao at siyempre mga mayayaman! sa mall, sa kalye (mga sosyal naman, streets like hmmm ayala, sa may rockwell, the fort etc.) at sa mga events. 



   

but i want mine to be more hmmm how can i say it...simpler?more ordinary? ung tipong mga taong nakakabangga mo sa mall, kasabay sa last trip sa mrt, kasama sa pila ng taxi o fx, sabay mong naghahabol sa elevator dahil ayaw malate, naggrogrocery pag payday, naghihintay sa may cr sa mga bar...ay iba pala yun  (pakidisregard ang last item!sa ibang post na lang yun) mga taong pag nakita mo e alam mong may sariling style at alam ang mga pinaggagagawa nila sa mga damit nila. hindi lang ba nakikiuso.yung alam mo e kahit nagmamadali e nag exert ng effort. sila ang isa sa mga gusto kong maging subject ng blog.let's see kung kaya

Be Agressive, Be be agressive (sabay bentambling at split sa ending. tsaka pala super smile :D)

Iskul Bukol

  • Jun. 11th, 2008 at 2:16 PM
mrt

Pasukan na naman! e gudlak papasok sa work. dinadaanan ko lang nmn ang Jose Rizal High School! (yung hindi masyadong karamihan ang estudyante!) from 5mins na byahe nagiging 20mins o san ka pa!


I miss school... 



lalo na nung nadaanan ko ang mga bag na to on my way home....
  

naimagine ko tuloy ung mga batang lumalabas sa guidance office! dala dala ang mga itu

pero kung gustong magmaganda sa campus, pwes ito ang suotin tuwing PE!


Bags and Kikay Shorts all from Artwork sa may glorietta!

TARAY Talaga!

Sino si BoyBarat?

  • Jun. 11th, 2008 at 1:04 PM
mrt
-to give you an idea about the writer and how his posts going to look like …ahhmm you know…like....<pause>...<mahabang pause>....tigilan na ang pagpapanggap at wag mang english ng derederetso. Ayokong himatayin dito sa office na may nagdudugong ilong at nakaopen na blogsite. Tanggal ako sa trabaho…
Chikatime mode…SINO SHA?

 

Mga hilig
-mga mumurahing bagay with quality (parang ang ironic no?)
-isang empleyado ng private firm na mahilig pumetiks
-mahilig pumunta sa topman pag may SALE dahil ubusan ito ng small sizes (petite ako bakit ba)
-magpaalter ng mga lumang damit at malalaking sizes na nabili sa SALE
-magbloghopping kina chuvaness, chikatime, baghag, daphne on flckr, bryanboy, the sartorialist, chicintuition, chichitsthefan, at d-listed (pakigoogle na lang mga kapatid dahil effort ang html code) ay madali lang pala...;p
-kumuha ng iba’t ibang litrato. (mostly pictures ng sarili ko na nakasideview, hindi nakangiti nasa taas ang anggulo ng camera, nakataas ang collar, naka side ang cap. Naka necklace ng rosaryo at naka cardigan kahit jinajabar ang kilikili at may caption na…. cute pow bah? Hahahahaha peace sa mga tinamaan!)
-sumakay ng mrt pag kaya pa ng powers
-chickenjoy at extra gravy
-iappreciate ang kagwapuhan ng mga tatay! (fetish ito na hindi ko mabitawan!)
-magluto ng mga luto ni nanay
-my Multiply Acct
-ym conversation sa mga tao lang na may sense
-RICE!

Kinapopootan!
-sa mga taong makikitid ang utak na ginagawang katatawanan ang pagiging bakla (huwaw)
-galit sa mga nanay na nagluluto ng spaghetting lasang ketchup
-nakakasalubong na may kaparehong damit na suot ko ng araw din na yun
-mga nakajacket sa ayala sa ilalim ng nag mumurang sunlight!
-sa mga nagtetext ng musta ka na? na isa pa lng group message! (in my own opinion lang naman)
-mga batang naka school uniform sa tapat ng internet café tuwing umaga (naks seryoso)
-sa mga hindi kagandahan na kung mapang mata e kala mong ANNE CURTIS (DYOSA KAYO?)
-mga taong mahilig magsabi ng, ang taba ko na ba? pero ang totoo ay gusto lng makarinig ng papuri!
-sa mga inadobeng picture na mukha ng Microsoft paint ang ginamit sa sobrang kinis
-congestion (oo congestion! ayokong malait pag sinabi kong traffic duh)
-sa mga pasosyal na tao ung tipong manggagamit para sumusyal. unlike Jasmine Trias, I hate Mangoes! (sa mga di nakagets nung joke sensya) dahil…
-Ayokong nageexplain ng joke! Feeling ko lalong cocorny
-RICE din LOLZ
Siguro yun lang. so kung hanggang ngaun wala kayong idea kung tungkol saan ang mga ipopost ko…hmmm di ko kayo masisisi. 

Tags: